MENU (9)

Where Ya From 2 - Tiny Montana 「Lyrics」

'Pag usapang hip-hop, parte ang Malate
'Di mo pwedeng maliitin laging kasali
Ambag sa kultura, puta, sobrang dami
Mula sa mga una, lalo kay Buhawi


Where Ya From 2 「Lyrics」 - Tiny Montana

'Pag usapang hip-hop, parte ang Malate
'Di mo pwedeng maliitin laging kasali
Ambag sa kultura, puta, sobrang dami
Mula sa mga una, lalo kay Buhawi
Ako ang tatayo at boboses na para dito
San Andres, Malate ang tanong, ano daw meron dito?
Kargado sa talento, lalong-lalo sa pang-bato
'Di na para magyabang, kasi nga puro lowkey dito
Kung Tondo merong Asiong, sa Malate may Kalawit
At bukod pa do'n, iba't ibang uri ng mga hari
Sa bawat eskinita, lugar at teritoryo
Sa lahat ng mga OG's na may kanya-kanyang trono
Shout out sa lahat ng gang, pagkakaisa


Iisang layunin, tatak lang ang magkakaiba
Pangkat ng bahala, BCJ Sputnik
Batang Onallera, do or die 'to matik

[Chorus: Tiny Montana]
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)


[Verse 2: Mhot]
Dasma, Etivac, iba't ibang tama
Minsan 'di buo ang diwa parang parirala
Samantala, mapadpad man sa tarima ng mga tamang hinala
Pakikisama na lang ang bahalang magpakilala
Pagpasok pa lang ng arko, aport sa kada kanto
'Wag ka matakot, walang makaka-arbor kapag kargo
'Pag lumapag naman sa'n mang lupalop pa dumako
Napaka-utak at planado mala-argo
Nagpakilala sa ligang, mabangis sa mga patagisan
Mabalasik at napakainam, laban lang kahit sa'n makarating
Masakit man na maliitin ka sa kada palitan
Sa pamamagitan naman ng galing
Naipagmamalaki din ang pinanggalingan


Mula sa "Area", hubog at asta
Natutunang kumapa ng asal, sa'n man sumalta?
Pumapalag nang 'di lang basta bara-bara, kumasa
Kumbaga 'di mayabang sa kargada ang marunong magdala

[Verse 3: Six Threat]
Lumaki sa bandang "GS Side"
But mukhang tila pa sa'kin naging pabor
Sa kalye, we be thrownin' that C sign up
Kung sa'n unang nahubog yaong magpaka-tirad (Wait, hmm)
Balik tayo sa panahong 'di pa putok, 'yun naman ang topic
Sa lugar kung sa'n lagi, tumal raket, kulang gamit kupal market
'Di usapan kung may arit o may talent pwera na lang
Kung may kapit o ma-arep, automatic ka, ahh


Medyo makulit nga lang 'yung dila 'pag pumunto
Dahilan daw kung bakit girian naman 'yung nauuso
Kanta'y puro daw panduduro, turo ng turo nga raw
Pa'no ultimo kalaban natututo, and I'mma rep. this City yo'
Sa'n man napadpad nung bata, and all the shit
I owe dito'y tila tama na tinadhana to help my city grow
But not just for DVO para ni sa tanang yawa

[Chorus: Tiny Montana]
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?


Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

[Verse 4: Pricetagg]
Anak 'to ng Sampaloc, Sta. Mesa, La Union
Binitbit tatlong lugar parang champion ni LeBron
Ngayon niyo 'ko tanungin, taga-saan ako ngayon
Kung sa'n ako nakatayo ay teritoryo ko na 'yun
Isinilang sa Casanas, lumaki ng Bacood
Kay kamatayan, patintero nung sa'kin may pasugod
At madaming nauna pero 'yokong sumunod
Inampon ng San Fernando, tinanggap ko ng lugod
'Di pa uso Tiktok, lahat ay kumi-crip walk


Daming nalulong, lakad 'kala mo sleep walk
Madami dito Azkal, tuta naging BigDog
Meron ditong pistol, kaya wala ding peace talk
Kungkreto aking gubat, 'wag kang magpanggap na leon
Kung ayaw mong mabulaga na parang Joey De Leon
Nagpapanggap na laking kalye 'di 'yon cool, corny 'yun
Buhay ko pelikula Tony, Pablo, Corleone

[Verse 5: Apekz]
Sa Valenzuela lumaki at tumubo, puro buto
Pero nagbunga dahil ang puno't dulo
Ay maglabas ng mensahe, hindi lang kuro-kuro
Kapag batang Cuadra, Mabolo, hindi 'yan sumusuko
Dati hirap pang makasali, pila mahaba at maraming


Nanghihila sa paa't hita para 'di ka maka-abante
Sumusugal na papunta lang ang dala namin pamasahe
Hinasa ang mga pangil kaya marami ng nilalagari (Ahh!)
Kinapalan ang balat para matawag na alamat
Aakyatin, ilanmang palapag lalakbayin kahit nakatapak
Sa'n man dalhin laging nakasagad?
Aasarin pa raw na payat, eh pinasan sa likod inangat
Ko 'to para matanaw ng lahat
Na maraming diamanteng, nakatago sa Norte
Na kailangan lang masinagan ng konti
Mapakinggan ang boses, maisama sa konsyerto
At gamit ang mga likha na kanta
Parang pirma at lagda, mag-iiwan ng marka
Tiga-saan ka?



[Chorus: Tiny Montana]
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

[Verse 6: Abaddon]
Sa haba ng aking binyahe't tinagal ko na panahon
Imbis kalawangin ay lalo lang nagpaka-angas, para 'di maging patapon


Malabo na mabalago'ng 'tong pang-kampeon ang makatang paragon
Ang batang Malabon, sino ba 'yon? (Kapitan Abaddon!)
Kahit sa'n man ako mapunta't, dalhin nang pagkakataon
Markado na 'tong uno, otso, siyete, sa'ng tapat na kampon
Magkaro'n man ako ng milyon-milyon at magarang mansion
Ako pa rin 'yung ika-unang sumpa ng Catmon
Ngayon ang bayan na kinamulatan ay nilagay ko sa mapa
Sa tulong ng mga mahuhusay ko na kasama
Pag-usapan ay Tagalog rap, 'di na kailangang magpakilala
Matik na, alam mo na kung sino'ng mga nakabalandra (Thugs! Thugs!)
Sa puso nakatanim at palagi ko na dadalhin
Habang buhay 'di na para malimot
Ang tanging lugar kung saan nahasa't tumalim
Malabon ang siyudad, malabong mahubad pa 'to


Sa'king pangalan na naka-marka
Kilalanin man o hindi walang problema
'Yan ang babandera kahit saan makarating

[Chorus: Tiny Montana]
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie?
Raise yo' flag homie! (Taga-saan ka? Taga-saan ka?)


[Outro: Tiny Montana]
Ikaw, taga-saan ka?